Monday, November 1, 2010

ang pasko ay sumapit nanaman


ang pasko ay sumapit nanaman. originally posted  on 19 november 2008.
@ http://gelle-sixfiftyeight.blog.friendster.com/

* * *
pambihira. patapos nanaman ang taon (well, at least in a couple of months or so). parang kailan lang eh kakasimula lang ng 2008, at ngayon eh, nalilito na ako kung ‘08 ba o ‘09 na. sabi nga ng isa kong friend, there must be something about 2009 that i’m looking forward to. ;) hmm…a lot actually. :) o pwede din naman na, para sa kin, natapos na ang 2008 bago pa man talga natapos ang taon.

parang kailan lang din eh pasko lang tapos pasko nanaman. not that im complaining, because Christmas is my favorite holiday .:) favorite ko Christmasand for some reason, may lisensya kang maging senti. well, pwede ka din naman magsintemyento kahit hindi Pasko pero iba kasi pag Pasko eh; tsaka ang mga tao, pagbibigyan ka kasi…regalo na nila sa’yo yun. ;)
 
kadalasan, pag patapos na ang taon, napapaisip ka kung ano bang nangyari sa’yo nung nakaraang taon. sulit ba? nagawa mo ba yung mga dapat gawin? nakuha mo ba yung mga gusto mo? napuntahan mo ba yung gusto mo puntahan? na-dispatsa mo ba yung mga ayaw mo? natupad ba ang new year’s resolution na sinulat at itinaga mo sa bato (o cork board) nung nagsisimula pa lang ang taon? at shempre, pagkatapos mong maisip lahat yan, marahil madami ang magpapatawa sayo, magpapangiti o kaya naman eh may ilan-ilan na makakapag-pasikip ng damdamin dahil sa inis. pero kung meron man akong natutunan sa buhay, isa dun ay ang pagtanggap na lahat ng pinagdaraanan natin eh parte ng buhay. ang mga bagay-bagay ay magsisimula, dumaraan at natatapos. kung pano matatapos, ikaw lang at panahon ang nakakaalam. ang importante, mas mabuting tao ka na pagkatapos mong pagdaanan ang mga pangyayari at pagkakataon sa buhay mo. at dahil dun, mapapa-muni-muni ka uli. ano ang kailangan kong baguhin? ano ang kailangan kong ipagbuti? ano ang mga bagay na gusto kong manatili? sa madali’t salita…magiisip ka nanaman ng new year’s resolution (pero shempre this time around, hindi mo na sha tatawaging new year’s resolution para walang pressure tsaka para hindi corny ang dating) at mangangako ka (uli) na ngayong taon na darating, tutuparin mo talga yung ipapaskil mo sa cork board ng kwarto o mesa mo.
kasi iba yung simoy Pasko.

 
for starters, sa darating na taon, susubukan kong pagbutihin ang hindi pagsasalita ng tag-lish o eng-galog. kung ingles, ingles (yikes!) kung tagalog, tagalog (yun naman!). sa mga iba ko pang gustong gawin, at ayusin sa buhay ko…iisipin ko sila pag mas malapit na ang pasko o di naman kaya eh sa gitna ng ingay sa bagong taon na. ;) hmm…hindi kaya dapat ko na din pagtuunan ng pansin ang pagp-procrastinate ko? hahaha


* * *
comments:
angel -- on December 1st, 2008 at 9:00 pm
hello shombs..
pde ka na magsulat ng book..ako unang bibili!!!!
i love you and i miss you so much! kita kita na tau nina emily…now na! hahahaha…see you very soon ha?

No comments:

Post a Comment